Posisyong Papel
Pagtanggal ng lumang pampasaherong jeep/dyip at pagpapalit sa bagong e-jeepney.
Ang jeepney o jitney/dyip ay isang sasakyang mahalaga at makasaysayan ang pinagmulan. Ang jeepney na siyang pangunahin at orihinal na pampublikong sasakyan na hanggang ngayon ay pinapakinabangan ng mga mananakay na Pilipino ay maituturing na naging isang simbolo ng kasarinlan at pagka-Pilipino. Sa bagong henerasyon marahil ay hindi nila kilala ang pangalang Sarao at Francisco, sila lang naman ang nagpasimula ng mga magagarang disensyo ng jeep na pampasahero na naging tanyag mula pa noong dekada 50’ na naging isang tatak ng Pilipinas na kinagiliwan ng buong mundo, hanggang sa umusbong ang ilang bagong disenyo ng mga jeep.
Tunay na hindi natin maiwawaksi ang naging kahalagahan at naiambag ng jeepney sa kultura at pamumuhay ng mga Pilipino, at sa panukalang tatanggalin (phase-out) na sa lansangan ang mga mahigit 15 taon nang mga jeepney ay hindi lamang ang kasaysayan nito ang unti-unting mabubura kundi ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga nakadepende sa mga pampasaherong jeepney.
Marami sa ating ang tumututol sa pagpapatangal ng lumang pampasaherong jeep sa lansangan, dahil naniniwala ang marami na nasa kanila ang pakakakilanlan ng ating mga sasakyan, na kakaiba sa lahat. Dahil sa sasakyan ito, marami tayo nakakasalamuha at nakakasamang iba’t-ibang tao na nagiging kaibigan din natin sa dulo. Ang lumang pampasaherong jeep ay marami ng napatunayan sa ating kasaysayan
Kung maipapatupad ng ating sanggay ng pamahalaan, ang panukala ng Land Transportation Office (LTOr) na lahat ng 15 taon o higit pa na mga jeepney ay kailangan nang i-phase out ay libo-libong sasakyan ang maapektuhan sa buong bansa. Marami sa ating ang hindi matutustusan ang kanilang mga pangangailangan, sa pagkat, ang iba ay dun lamang kumukuha ng ipang-tutustos sa kanilang mga pamilya.
Kung ang pangunahing dahilan ng LTO sa pag-phase out ay upang maibsan ang problema sa trapiko at tanggalin ang diumano’y hindi magandang “itsura” ng mga lumang jeepney sa lansangan ay dapat mayroon din silang alternatibong hakbang o kasagutan sa maraming mawawalan ng ikakabuhay. Katulad ng pagsasaayos ng mga pyesa ng mga sasakyan at palitan ng bago desenyo, ngunit kung ito talaga ang mas makakabuti sa lahat at sa kapaligiran, tignan muna natin ang bawat angulo, kung anu ba ang mas makakabuti at kaylangan, sa totoo lang naman hindi naman nawala ang tunay na kasaysayan n gating mga lumang pampasaherong jeep, kasama na siya sa mga naitala sa ating mga alaala. Hindi naman masamang ang mga tumangga ng mga makabagong paaran sa pagproprotektra sa kalikasan at sa kapaligiran kung ito man ay makakabuti sa lahat.
Mabuti ang panukalang ito dahil kaakibat nga ng modernisasyon sa transportasyon subalit kailangan ng isang mahusay at katanggap-tanggap na alternatibo gaya na dapat mabigyan ang mga operator ng magaang financing sa pagbili ng bagong unit na saksakyan dahil wala ng halaga ang mga lumang jeep nila kundi sa “junk shop” na ang bagsak. At kung mangyari ito ay maaari pa ring tuloy ang pakikimaneho ng mga mamang tsuper. Kung hindi naman ito uubra ay dapat mayroon nang nakahandang lilipatang trabaho ang mga tsuper at alternatibong pagkakakitaan ng mga operator sakaling hindi sila makabili ng bagong unit.
Lagi nating pagkakatandaan, na ang permamente sa mundo ay ang babago. Muli ay huwag nating kalimutan ang naiambag ng mga pampasaherong jeepney sa industriya ng transportasyon at sa mga mananakay na Pilipino at hindi naman masama ang modernisasyon hangga’t hindi naisasawalang-bahala ang isang bahagi ng ating kultura, kasaysayan at pamana.